Welcome to Gaia! :: View User's Journal | Gaia Journals

 
 

View User's Journal

Subscribe to this Journal
Everything About Moo Moo Moo..


chiruiku026
Community Member
avatar
0 comments
s**t..!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
I hate it..!!! I really hate it..!! crying but all i can say is s**t..! Damn..
You don't know what it feels like because you're not the one who actually feels it. You can't say you understand because you don't. You can't say that it's easy coz its not..! s**t..! crying





0 comments
Nose Bleed.. XP
First entry ko.. actually dapat english to e.. haha.. kaso gabi na kaya eto tagalog nalang.. Bangag na ko eh.. Malas lang ng mga hindi nakakaintindi.. nyahahha.. Di bale sa susunod english na.. smile

Ayun badtrip, ang dami palang gagawin taz wala pa kong nagagawa kahit isa.. Masyado kasi akong naaliw dito sa gaia eh.. Kaya eto wala pang nauumpisahan sa thesis, speech, report, mid term at libo-libong problema para sa pasukan.. Sana buong january nalang bakasyon para masaya.. smile

Sobrang bored na kasi ako kaya naisipan kong mag blog ulit.. Siguro mas ok na to kesa gumawa ng h.w.. hahahah.. Waaa.. sobrang tamad ko na.. Gusto ko kasi sanang ipractice ulit yung pagsusulat.. Sobrang di ko na kasi nagagawa ngayon yun sa dami ng ginagawa sa school.. Masarap kasi mag sulat eh.. Lalo na pag badtrip ka.. Yung tipong gusto mong manuntok pero di mo magawa kasi baka mademanda ka pa ng wala sa oras.. O kaya may mga naisip ka bigla na gusto mong ipaliwanag kung ano b yung pagkakaintindi mo dun.. kahit minsan mali mali pala sinasabi mo.. ikaw lang pala nakakaintindi.. hahahah.. Madalas mangyari sakin yun eh.. Yung tipong ang dami kong sinabi taz sila ano lang... "aawww...oh talaga? Ano ibig sabihin nun?", Tas sa huli isip ka ng isip tas yun pala mababalewala lang kasi hindi nila maintindihan.. O talagang magulo ka lang...

Pero minsan kahit mali mali sinasabi mo, pwede kang magpaniwala ng tao o mag convince na tama ka kung mapapakita mo lang ng mabuti.. Ganon kalakas ang kapangyarihan ng media.. Talo pa nito ang powers ng kame hame wave ni Goku kung san pwede mong durugin ang isang tao sa pamamagitan ng isang tirahan lang.. Madaming taong nasisira ang pangalan dahil sa mga sinusulat tungkol sa kanila.. Isa din yun sa mga dahilan kung bakit hindi ako nag journalism eh.. Kasi walang pera sa field na yon.. Mamimili ka lang sa dalawang bagay, either mag sulat ka ng walang maaapakang tao pero mamamatay ka naman sa gutom o yung magsulat ka ng mga super duper exaggerated na bagay at mga kasinungalingan, yayaman ka nga pero yung kaluluwa mo naman masusunog sa impyerno.. Malas lang.. lol..

Ewan ko ba, ako kasi yung klase ng taong alam ko sa sarili kong wala kong talent pero kinakapalan ko lang yung mukha ko para magkaron.. haha.. Malakas lang loob kong subukan yung iba ibang bagay bagay kahit na hindi ako sigurado kung mag eexcel nga ko sa bagay na yun.. Basta gusto kong ginagawa yung bagay at masaya ko don.. kahit pa pangit yung magawa ko, ok na sakin yun kasi nag-enjoy naman ako.. di naman importanteng may makapansin ng may makapansin, basta lang masaya para sakin at alam kong nagagamit ko ang cute na cute kong utak.. palong palo na yun.. XP

Tulad nalang ng pagsusulat.. Eto yung isa sa mga bagay na gustong gusto ko e.. Pero nahihiya ko minsan kasi alam ko ang daming taong taob na taob ako.. May mga taong sobrang galing mag isip at gumamit ng mga words na kay hirap naman iispell kaya ayun.. Mukhang pro mga sinusulat nila.. Samantalang ako.. mga simpleng words lang basta naiintindihan ok na.. Pero sabi naman nila mas mahalaga yung naiintindihan ng mga mambabasa yung sinasabi mo kesa mag mukhang encyclopedia yung isinulat mu na minsan ay sadyang kay hirap intindihin.. Haayyzz.. Siguro natatakot lang akong makipag compete.. Konting tiwala lang sa sarili at kakapalan ng mukha.. Mejo takot din naman akong mabigo.. Pero mapahiya, hindi rin kasi sanay na ko eh.. haha..
Dibale konting practice pa baka maging katanggap tanggap din to..
Konting basa lang siguro ng mga libro, na wala naman talaga kong kahilig hilig..
Kailangan din namang pag aralan ang bagay kung gusto mo talaga.. Kailangan ng effort at oras..

Ang pangarap ko kasi sa buhay maliban sa yumaman eh.. Yung magawa ko yung mga bagay na gusto kong gawin.. Pakielam ba nila.. kung gusto kong mag sulat at wala namang gustong magbasa, di bale ako magbabasa ng sinulat ko kasi masaya.. smile haha..

balang araw magagawa ko yun lahat..!!! wwoohh..!!!!
Lahat lahat..! smile makakagawa din ako ng documentary, makakapagsulat, makakapag advertise at magiging artist den.. (kahit di magaling magdrawing..) lol..
Walang imposible sa buhay kung gusto mo.. smile Yun talaga ang pinapaniwalaan ko, pero sa hirap ng buhay mejo mahirap talagang ingatan yung pagiging desedido mo.. Pero ang pinaka importante sa lahat.. subukan mo.. di baleng mapahiya ka at malait lait.. Atleast sinubukan mo diba.. at na experiece mo...
3nodding



chiruiku026
Community Member
dev1



chiruiku026
Community Member
avatar
1 comments
Testing.. Testing.. :)
My 1st moooo... 3nodding




« Prev Week | 01/04 to 12/28 | Next Week » | Home
 
 
Manage Your Items
Other Stuff
Get GCash
Offers
Get Items
More Items
Where Everyone Hangs Out
Other Community Areas
Virtual Spaces
Fun Stuff
Gaia's Games
Mini-Games
Play with GCash
Play with Platinum